85

Jan 26, 2020 @ 18:04
By

Ikatlong kaso ng coronavirus, tumama sa US

Tinatayang isang pasyente mula sa Southern California ang nakitaan ng sintomas ng mala-pneumonia na virus mula sa China.

At dito na kinumpirma ng Centers for Disease Control (CDC) na nag-positibo ang biyahero na nanggaling sa Wuhan sa coronavirus.

Sa ngayon ay naka-isolate o nakahiwalay ang pasyente sa ospital at nasa mabuti nang kalagayan.

Ang unang kaso ng virus sa naturang bansa ay naitala noong Enero 21 sa Washington, at sa Chicago naman noong Enero 24.

Lahat ng mga ito ay nanggaling mula sa China, kung saan nasa 56 na ang namamatay dahil sa nasabing virus.

Dahil dito’y naka-lockdown na ang 12 probinsya sa Wuhan para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nakabantay na ang CDC sa limang major airport sa Chicago, Atlanta, New York, San Francisco at Los Angeles para sa mga taong manggagaling sa Wuhan, China na makikitaan ng sintomas ng novel coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?