39

By

Ikatlong bahagi ng tax reform, aprub sa Kamara

Sharing is caring!

Lumusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang fiscal regime sa sektor ng pagmimina, ang ikatlong bahagi ng tax reform ng administrasyong Duterte.

Sa ilalim nito, pinapanatili ang pagpapataw ng corporate income tax sa mining sector.

Layon nito na gawing patas ang playing field sa lahat ng sektor sa pagnenegosyo.

Itinatakda ng panukala na mananatili ang tax regime sa excise tax, royalty sa mga katutubo, local busines tax at real property tax.

Paiiralin din ang margin-based na pagpapataw ng royalty sa mining operations sa loob man o labas ng mineral reservations, malaki o maliit man na operasyon ng pagmimina.

Ipinagbabawal din nito ang open-pit mining.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?