8

Ikatlong All-Star MVP naiuwi ni Maya Moore

Sharing is caring!

Nasungkit ni Lynx star Maya Moore ang kanyang ikatlong sunod na All-Star MVP award matapos lusutan ng Team Parker ang Team Delle Donne 119-112 sa WNBA All-Star Game.

“Thank you for your concern for my storage space,” pahayag ni Moore matapos makapagtala ng 18 puntos walong rebound sa at anim na assists para maiuwi ang MVP award.

“It’s crazy, it really is, to just be fortunate enough to continue to be in positions to win, to be playing well, to be healthy,” dagdag pa nito.

Si Moore ay kasalo na si Lisa Leslier bilang tanging tatlong beses na naging MVP at all-time scoring leader sa All-Star History kung saan nalagpasan nito ang 108 puntos ni Tamika Catching.

Nagdagdag si Allie Quigley ng Chicago Sky ng 18 puntos at 17 naman kay Skylar Diggins-Smith para sa Team Parker.

Nanguna sa Team Delle Done si Kristi Toliver ng Washington Mystics na nakuhang 23 puntos habang may 18 naman si A’ja Wilson ng Las Vegas Aces.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?