19

Oct 6, 2021 @ 18:54
By

Ikalawang termino tangka ni Villanueva

Pinal na ang muling pagsabak ni Senador Joel Villanueva sa 2022 elections matapos ang kanyang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ngayong Miyerkoles.

Target ni Villanueva ang pangalawang termino bilang senador matapos unang magwagi noong 2016 angkin ang mahigit 18 milyon boto.

Sa muling pagsabak sa halalan, independent candidate na si Villanueva taliwas noong 2016 kung saan tumakbo siya sa ilalim ng Liberal Party.

Ayon sa reelectionist senator, bala niya sa darating na halalan ang mga nagawa niya sa unang termino.

“Sa Senado, perfect attendance po tayo. Hindi po tayo umabsent maski isa. Naghain po tayo at nag-sumite ng 500 bills and resolutions, at 82 dito ay ganap na batas na,” pahayag ni Villanueva.

Ilan sa mga panukalang naipasa ng mambabatas sa senado ay ang Work From Home Law, Free Tuition Law, at Doktor Para sa Bayan Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?