225

Dec 29, 2018 @ 16:34

Ikalawang baby bagong ‘gasolina’ ni Folayang

May bagong inspirasyon si Team Lakay at ONE Championship Lightweight champion Eduard Folayang sa muling nitong pakikipagsagupa kay Shinya Aoki sa Tokyo sa Marso 2019.

Si Yahmazhiach, ang ikalawang anak na babae ni Folayang na ipinanganak noong Disyembre 26 ng kanyang asawa na si Genevieve.

“(I want) to work harder and smarter knowing that it’s my responsibility to be a good provider with these two huge blessings from God,” sabi ni Folayang.

Susubukan muli ni Folayang na pabagsakin ang Japanese counterpart gaya ng ginawa nito ng una silang magharap noong 2016.

Hindi rin aniya nila mamaliitin si Aoki dahila alam nitong mas ganado at determinado dahil sa gaganapin ang laban sa harap ng kanyang mga kababayan pero kung kakayanin ay nais agad tapusin ito ni Folayang.

“I’m looking for another TKO or KO again,” saad ni Folayang. “I hope it will be quick though I know he is super motivated, especially that the fight will take place in his hometown,” wika nito. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?