24

Jan 24, 2021 @ 19:08
By

Ika-88 kaarawan ni Cory Aquino, ipagdiriwang online

Ipagdiriwang online ang ika-88 na kaarawan ni dating pangulong Cory Aquino bukas, Enero 25.

Ayon ito sa inilabas na imbitasyon ng Ninoy & Cory Aquino Foundation sa kanilang Facebook page.

Join us as we commemorate the 88th Birth Anniversary of our beloved Tita Cory on January 25🎗

Posted by Ninoy & Cory Aquino Foundation on Monday, January 18, 2021

“Join us as we commemorate the 88th Birth Anniversary of our beloved Tita Cory on January 25,” saad sa caption ng naturang post.

Ikakasa ang Holy Mass alas-3 ng hapon bukas.

Pangungunahan ang misa ni Fr. Nilo Mangusad.

Taong 2009 nang pumanaw si ‘Tita Cory’ sa edad na 76 dahil sa cancer.

Si Cory Aquino ang kauna-uanahang babaeng presidente ng bansa na nagsilbi noong 1986 hanggang 1992.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?