100
Ika-6 na sunod na titulo sinakmal ng Lady Bulldogs
Nov 23, 2019 @ 16:23
By

Ika-6 na sunod na titulo sinakmal ng Lady Bulldogs

Hindi nagpapapigil ang National University (NU) Lady Bulldogs sa pagtarak ng kasaysayan matapos sungkitin ang ikaanim na sunod na korona sa pagwalis sa UAAP women’s basketball sa MOA Arena nitong Sabado.

Pinataob ng Lady Bulldogs ang UST Growling Tigresses, 66-54, kahapon sa Game 2 finals upang kunin ang ika-96 straight win ng NU women’s basketball team.

Pasiklab naman ng 15 points, 4 asssists, 2 rebounds at 2 steals si Monique del Carmen upang bigyan ang kanyang UAAP career ng magarbong pag-eksit.

Pinatunayan naman ng Lady Bulldogs na kahit kulang sila ng dalawang key player ay kaya nilang dominahin ang laro at ipagpatuloy ang composure upang masungkit muli ang kampeonato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?