14
jrue-holiday

Ika-5 sunod na panalo, pinasabog ng Pelicans kontra Spurs

Sharing is caring!

Nagbaon ng panalo ang Pelicans sa huling laban nila sa regular season sa pagtalo sa San Antonio Spurs, 122-98, Miyerkoles ng gabi sa New Orleans.

Tumapos na may limang sunod na panalo ang Pelicans sa pangunguna ni Jrue Holiday na lumagare ng 23 points.

Kapwa pasok na ang Spurs at New Orleans sa playoffs.

Haharapin ng Pelicans (48-34) ang Portland sa first round ng playoffs ngunit may bentahe ng home-court ang Trail Blazers.

Maaari namang makalaban ng Spurs (47-35) ang second-seeded Golden State o top-seeded Houston Rockets depende sa kalalabasan ng Denver-Minnesota game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?