28
views

By

Ika-5 korona susungkitin ni ‘Hawaiian Punch’ Viloria

Sharing is caring!

May bangis pa sa mga suntok ni ‘Hawaiian Punch’.

Ito ang patutunayan ni Fil-Am fighter at four-time world boxing champion Brian Viloria sa tangkang sikwatin ang ikalimang world belt sa duwelo kay No. 1 ranked Artem Dalakian para sa bakanteng WBA flyweight belt ngayong Pebrero 24 sa California, U.S.A.

“I’m eager to prove once again that I’m the premier flyweight in the world and you can count on seeing the best Brian Viloria ever. I’ve always given the fans an honest account in the ring and they won’t be disappointed on February 24,” ayon kay Viloria, may 38-5 marka kabilang ang 22 pagpapatumba.

Galing sa impresibong fifth round demolition kontra Miguel Cartagena nitong Setyembre 9, 2017 si Viloria at naniniwalang mayroon pang lakas sa kanyang mga kamay para sa fifth world crown.

Pero naniniwala si Dalakian na lipas na ang bangis ni ‘Hawaiian Punch’ at siya ang mangingibabaw sa laban.

“Brian Viloria is a good boxer and was a champion, but his time is up. I’m going to the United States to become a world champion and to prove to everyone that I’m the best,” wika ng slugger na mula sa Ukraine na may malinis na 15-0 record kabilang ang 11 KOs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?