112

Ika-4 win streak ng Cavs, binanat sa Thunder

Sharing is caring!

Tuloy ang pagpapanalo ng Cleveland Cavaliers mula nang mag-‘bagong mukha’ at biniktima naman ngayon ang Oklahoma City Thunder, 120-112, nitong Martes (Miyerkoles, PHL time).

Ika-apat na ragasa na ito ng Cavs kung saan may trinabaho na 37 points si LeBron James.

Sa unang sabak ng mga bagong salta sa Cavs na sina Rodney Hood, Jordan Clarkson, George Hill, at Larry Nance Jr., noong Linggo, pinadapa nila ang Boston, 121-99.

Ngayon, sa laban nila kontra Thunder, tumulong sina Hood at Clarkson ng tig-14 puntos habang nagbuslo naman ng 13 si Nance na may kasama pang siyam na rebounds, walo rito ay offensive rebounds.

Apat na players naman mula sa OKC ang umiskor ng 20 points.

Si Paul George ay may 25 habang sumahog ng 22 points si Carmelo Anthony.

Tumulong din ng 22 points at 17 rebounds si Steven Adams, at 21 points at 12 assists mula kay Russell Westbrook pero ‘di naging sapat para pigilan ang Cavs.

Tumikada ng tres si Clarkson sa 3:22 nalalabi sa orasan para iabante ang Cavs, 111-100.

Sigurado na ang panalo ng Cleveland sa tagpong sinagip ni JR Smith ang bola mula sa out of bounds at pinalo patungo kay Nance, na dinakdak naman sa basket ng huli, 11 segundo na lang ang nalalabi, 119-112.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?