58

Mar 8, 2020 @ 21:52
By

Ika-4 na Pinoy sa Hong Kong, nagpositibo sa coronavirus

Tinamaan ng coronavirus ang isa pang Pinoy sa Hong Kong, ang ikaapat na kaso sa naturang bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, nagpositibo ang Pinoy sa coronavirus kahit wala itong pinapakitang sintomas.

Kasalukuyang naka-quarantine na ang nasabing Pinoy para magamot.

Ayon pa sa hiwalay na pahayag ng DFA, ang isang Pinay OFW na nagkaroon ng COVID-19 ay naka-admit sa ospital kasama ang dalawa pang Pinoy na nagpositibo rin sa virus.

Habang ang isa namang Pinoy na unang tinamaan ng COVID-19 sa Hong Kong ay nakarekober na at nakalabas na sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?