48

By

Ika-3 lagablab nasa dibdib ng Alab Pilipinas

Sharing is caring!

Ikatlong sunod na panalo ang asam ng Alab Pilipinas na muling rerendahan nina import Renaldo Balkman at Justin Brownlee sa pagsagupa nito ngayong hapon kontra Singapore Slingers sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng Asian Basketball League (ABL) sa pagdayo nito sa OCBC Arena sa Singapore City, Singapore.

Huling binigo ng Alab Pilipinas ni head coach Jimmy Alapag ang Wesportsports Malaysia Dragons, 90-79, upang idagdag sa pinakauna nitong itinalang panalo kontra Formosa Dreams, 78-61, upang tabunan ang malamya nitong tatlong sunod na kabiguan sa pagsisimula ng pangrelihiyong liga.

Umigkas ang Alab na tampok ang ilang dating propesyonal na manlalaro sa bansa sapul ng pagdating nina Balkman at Bronwlee upang mula sa pinakahulihan ay umangat ito sa ikalimang puwesto na may kabuuang 2-3 panalo-talong kartada sa likod lamang ng makakasagupa nito na Slingers sa Linggo, Disyembre 7 ng alas-kuwatro ng hapon, na may 3-4 naman.

Huli naman nabigo ang Slingers sa nangunguna at hindi pa nakakalasap ng kabiguan sa pitong sunod na laro na Hong Kong Eastern squad, 79-82.

Tampok sina Balkman at Brownlee ay itinala ng Alab Pilipinas ang 19 puntos sa turnovers, 54 puntos sa paint habang may 11 ito na second chance at 22 puntos sa fastbreak. May 17 din ito sa bench point upang maitala ang pinakamalaki nitong 16 puntos na abante at biggest scoring run na 14 puntos kontra Dragons.

“I have personal experience with Justin Brownlee, both as a player and as a coach. I got burned twice – both times in the finals. There’s no secret what type of player he is. Just really thankful that he’s here to play with Alab for this ABL season. Really fortunate to have him,” sabi lamang ni Alapag.

Tinupad naman ni Alapag ang kanyang pangako sa dating PBA import na si Balkman matapos magkausap sa posible nitong pagbabalik sa Pilipinas habang nasa isang liga sa Seville, Spain.

Matatandaan na napatawan ng lifetime ban si Balkman limang taon na ang nakakaraan matapos nitong sakalin ang kakampi na si Arwind Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?