8

Sep 18, 2020 @ 16:19
By

Ika-3 anak nina Lara Quigaman, Marco Alcaraz sinilang na

May Instagram account agad ang pangatlong anak nina beauty queen Precious Lara Quigaman at actor Marco Alcaraz.

Ito’y si Moses Marc, na pinanganak bago mag-alas-onse ng umaga kahapon, Setyembre 17.

“Thank You Jesus for another undeserved gift… my heart is so full! My whole being overflows with gratitude and awe. You truly are a good good God!,” sabi pa ng Miss International 2005 sa Instagram ngayong araw.

Nilakip niya ang larawan nilang mag-ina.

 

Ka-birthday ni baby Moses ang kuya nito na si Tobias Nolan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?