38

Feb 19, 2020 @ 15:08
By

Ika-2 patay sa coronavirus sa Hong Kong

Ini-report ng Hong Kong ang ikalawang namatay sa kanilang bansa dahil sa coronavirus.

Ayon sa Channel News Asia, isa ang nasawing 70-anyos na lalaki sa 62 kumpirmadong kaso ng virus infected sa lungsod.

Sabi sa ulat, lumala ang kondisyon ng pasyente bago ito namatay sa ospital nitong Pebrero 19 ng umaga.

Dinala sa ospital ang lalaki noong Pebrero 12 matapos mag-collapse sa bahay.

Mataas ang lagnat nito at nagpositibo sa coronavirus.

Nadiskubre ring may diabetes ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?