9

Sep 10, 2020 @ 22:35
By

Ika-2 gold asam ni EJ sa Poland

Pipiliting maiuwi ni 2021 Tokyo Olympics-bound pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena ang ikalawang sunod na gold medal sa muling pagsabak sa isang internasyonal na kompetisyon sa Poznan, Poland ngayong Biyernes ng gabi.

Kakasungkit lang nitong Miyerkoles ng 26-year-old, 6-foot-2, Tondo, Manila native ng unang gold sa limang torneo sa mga nakalipas na buwan sa Europe, sa 59th Golden Spike Ostrava 2020 sa Czech Republic, sinorpresa ang ilang kapwa astig na mga karibal.

Agad ding bibiyahe siya pagkaraan para naman sa Diamond League sa Berlin sa Setyember 13 at isa pa sa Rome bago ang anim na linggong break simula sa Set. 17.

Umaasa rin ang unang coach at ama ni EJ na si Emerson Obiena na magpapatuloy ang tagumpay na anak na reigning Universiade at Asian champion.

“Siyempre, I am happy with the result. The win will definitely have a positive effect on building EJ’s self confidence in high level competitions. Also, I am satisfied with the consistency in EJs results this season,” bulalas niya.

“EJ was more focused on that event despite the erratic wind condition that bothered most of the world class pole vaulters including three world champions. Also, the presence of foreign coach Vitaly Petrov was also instrumental in EJ win,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?