7

Oct 19, 2020 @ 14:25
By

Ika-18 season sa Ginebra, minarkahan ni Caguioa

Umukit ng kasaysayan si veteran guard Mark Caguioa nang lumaro ito sa kanyang ika-18th season para sa Barangay Ginebra.

Nitong Linggo, lumaro si Caguioa sa huling quarter ng Ginebra-Meralco match kung saan nasungkit ng mga ito ang kanilang ikatlong panalo 105-91 sa 2020 Philippine Cup.

Ayon umano kay PBA chief statistician Fidel Mangonon, naungusan ni 40-year-old Caguioa sina Alvin Patrimonio (Purefoods) at Harvey Carey (TNT) para sa most seasons played sa iisang team.

“Mark is just a joy to be around. He’s always got a sunny disposition. He’s always up, he never sulks, he never gets upset,” wika ni coach Tim Cone para sa eight-time PBA champion.

“His teammates love him. He doesn’t demand anything. With his past history and who he is, he could really demand but he doesn’t. He’s such a really really good guy. So it’s great to have him on the team,” dagdag pa nito.

Sa Instagram, isang team selfie naman ang ipinost ni Caguioa na may caption pang “3rd win inside the bubble but every game we are missing you guys the 6th man, “

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?