9

Sep 30, 2020 @ 17:02
By

Ika-12 gold nadale ni Delos Santos

TAGUMPAY na naman ang Pinoy karateka na si James Delos Santos nang masungkit ang ginto sa Venice Cup 2020 #2 virtual tourney nitong Miyerkoles.

Ito na ang ika-29 na torneo na nilahukan ni Delos Santos online, at dito niya nakuha ang kanyang ika-12 ginto.

Tinalo ni Delos Santos sa finals ang pambato ng Slovenia.

Sa quarterfinals ay pambato ng Luxembourg ang pinataob ng Pinoy karateka at sa semis naman ay hindi umubra kay Delos Santos ang isang taga-Switzerland.

Sa loob ng halos pitong buwan ay may 12 na ginto na si Delos Santos, 2 silver at 3 bronze.

Sa ngayon ay nasa ikalawang pwesto ang Pinoy karateka sa World Rankings, sa panalong ito ni Delos Santos may posibilidad na makuha na niya ang number 1 spot na hawak ngayon ni Eduardo Garcia ng Portugal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?