403

By

Ika-115 Founding Anniversary ng PUP pinagdiwang, Pylon Run inaabangan

Ngayong unang araw ng Oktubre 2019, ginunita ng publiko ang ika-115 Founding Anniversary o pagkakatatag ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

Trending ngayong umaga sa Twitter ang pagbati ng mga netizen sa “Sintang Paaralan.”

Maging ang mga alumni na si brodkaster Ted Failon at awtor Marcelo Santos III ay nakiisa.

Mayroon namang excited para sa gaganaping Pylon Run, kung saan mamartsa ang mga miyembro ng kapatirang Alpha Phi Omega nang nakahubo at nakamaskara, bitbit ang mga panawagan tungkol sa mga isyu ng lipunan.

Ilan sa mga dati nilang panawagan ang pagrespeto sa mga karapatang-pantao, makatarungang initiation ng mga kapatiran, at patas na pagbabalita ng midya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?