156
ABANTE-TNT lola Espirita Madriaga inang esper 100th birthday
Jan 9, 2018 @ 16:57

Ika-100 kaarawan, ipinagdiwang ng lola sa Pangasinan

Nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan ang isang lola sa Manaoag, Pangasinan.

Sa ulat ng DZMM, nagkaroon ng malaking reunion ang pamilya Madriaga sa naturang lugar at bilang pagdiriwang na rin ng 100th birthday ni Inang Esper o Espirita Madriaga.

Isang butihing maybahay si Inang Esper habang mekaniko naman noon ang kanyang namayapa nang asawa.

Magkasama nilang itinaguyod ang lima nilang anak na pare-pareho na ngayong maginhawa ang buhay.

Ang sikreto umano nito para sa long life ay healthy living o malusog na pamumuhay.

“Yung pagkain gusto ko ‘yung pising… sari-sari… pinakbet,” ani nanay Esper.

Kuwento niya, naging trabaho niya noon ang magpakain ng baboy at pagkuha ng gulay tulad ng saluyot.

Para naman sa kanyang mga anak, balanse sa pag-aalaga ang kanilang ina sa kanila, kahit pa umano nakagawa sila ng kasalanan ay iniintindi nito basta hindi na nila ito uulitin.

Malapit naman si nanay Esper sa 30 niyang apo na kaibigan o kabarkada ang turing niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?