38

Dec 8, 2021 @ 15:43
By

Iiwan na showbiz? Ai-Ai, Gerald Sibayan maninirahan sa Virginia

Lumipad na papuntang Virginia, U.S.A., ang mag-asawang Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan upang doon na muna pansamantalang manirahan.

Sa Instagram post ng comedy queen, ibinahagi nito ang kanilang larawan ng asawa Dulles International Airport sa Viriginia.

“Parang para sa amin ang caption …. yes NORTH VIRGINIA HERE WE COME .. OUR JOURNEY BEGINS HERE .. thank you dear LORD and mother MARY .. we landed safely,” caption ni Ai-Ai sa kaniyang Instagram post.

Sinabi pa nito na ito na ang pagsisimula ng panibagong buhay nila ng kaniyang asawa.

“love you my darling this is it start na ng buhay naten together. @gerald_sibayan #simplewifey #takingcareofmyhusband #excited #payapangpamumuhay,” dagdag pa nito.

May isa namang fan ang nagtanong kung tuluyan na nga nitong lilisanin ang Pilipinas at nilinaw ni Ai-Ai na magbabakasyon lamang sila.

“@emilatte12 bukas nandyan na ko ulit hahaha … hindi naman bakasyon lang,” paglilinaw nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?