47
ABANTE-TNT-nfa-jason-aquino
Jan 4, 2018 @ 11:45
By

Iisang mukha ng kontra sa NFA, ipatutupad

Simula ngayon buwan ay ipatutupad na ng National Food Authority (NFA) ang Standard Terms of Reference para sa kanilang contracted services.

Sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino sakop nito ang kanilang security, hauling, trucking at warehouse handling services.

Aniya, bahagi ito ng mga nais niyang ipatupad na reporma sa ahensiya partikular na ang pagkakaroon ng transparent at competitive bidding.

Binanggit nito na pag-upo niya sa puwesto, bagamat naaayon naman sa batas, magkakaiba ang nilalaman ng mga kontrata, memoranda of agreement at memorandum of understanding na pinapasok ng kanilang cental at field offices.

Nabatid na ipinag-utos din ni Aquino na ilan sa kanyang mga opisyal at kawani ay kinakailangan dumalo sa mga seminars ukol sa Republic Act 9184 o ang Government Procurement Law para tiyakin na alam nila ang tamang proseso sa pagbili at pagpasok sa mga kontrata o kasunduan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?