iguodala
By

Iguodala sakit tuhod, Warriors mapipilayan?

Sharing is caring!

Posibleng sumabak ang Golden State sa giyera ng Game 4 na kulang sa piyesa.

‘Doubtful’ si forward Andre Iguodala dahil nananakit ang tuhod.

Kung hindi siya makakalaro, kulang ang Warriors ng isang key defender na aasawa kay Houston Rockets star James Harden. Maliban doon, playmaker din si Iguodala sa opensa.

Mapupuwersa na naman si Golden State coach Steve Kerr na katikutin ang ikot ng tao lalo’t nagdala ng spark si Iguodala nang isaksak sa starting lineup sa second round kontra New Orleans.

Maganda sa Warriors, mukhang bumalik na ang outside shot ni Stephen Curry kung babasehan ang talas niya sa second half noong Game 3. Umiskor siya ng 18 sa third period tungo sa 35 nang ibaon ang Rockets 126-85 para sa 2-1 series lead.

Sa first 10 quarters ng serye, 3 of 20 lang sa long range si Curry. Pagbalik mula break ng Game 3, 4 for 5 siya sa labas ng arc, isa rito ang napakalayong 30-footer.

Lagi na raw niyang ginagawa ‘yun.

“I had amnesia, really. In that moment, in my head am I 0-for-0, or am I 10-for-10 in my head?” lahad ni Curry. “I’m feeling good in that moment. Just shoot it. You can’t second-guess your instinct in that moment.”

Aminado ang Rockets na kulang sila sa focus kaya natambakan ng 41, pero kompiyansa pa rin pagkatapos ng league-best 65 wins sa regular season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?