36

Mar 3, 2020 @ 17:59
By

Iguodala ‘di nirespeto! Morant bastos – Vucevic

Hindi fan si Orlando Magic center Nikola Vucevic sa maangas at maingay na rookie ng Memphis Grizzlies na si Ja Morant.

No. 2 pick si Morant noong June, sa likod ni Zion Williamson. Silang dalawa ang mahigpit na magkalaban sa Rookie of the Year award.

Noong nakaraang buwan, lumabas ang anghang ng dila ni Morant nang, kasama si teammate Dillon Brooks, ay patutsadahan si Andre Iguodala dahil ayaw maglaro sa Memphis. Nagpapa-trade si Igoudala, pinagbigyan ng Grizzlies bago ang deadline.

Sinaklolohan ni Vucevic si Iguodala, teammate niya dati sa Philadelphia.

“You go through the draft process, and people ask you if you are a leader,” ani Vucevic, ayon sa ulat ng Yahoo Sports. “Maybe I was in college (USC) when I was a junior, and other guys were younger than me. But I’m not going to come in my (NBA) rookie year and yell at Iguodala.”

Wala raw respeto si Morant sa tulad ni Iggy na three-time NBA champion at dating Finals MVP.

“(People) throw that (leader label) around, but that’s not something that you decide to be. It’s something you earn when you have the respect of your teammates.”

Sa tingin ni Vucevic ay established player na siya sa tagal na rin sa NBA. Kuha niya ang respeto ng teammates dahil sa pinapakita sa laro, kaya kapag nagsalita siya ay nakikinig ang mga kakampi.

Si Morant? Tignan natin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?