93

Oct 26, 2021 @ 16:18
By

Igorot waging Best Actor sa New York

Gumawa ng marka sa ibang bansa ang Igorot na binansagang “Carrot Man” matapos niyang mag-viral dahil sa kaguwapuhan.

Noong 2016 sumikat si Jeyrick Sigmaton matapos kumalat sa Facebook ang mga larawan niya habang nagbubuhat ng mga basket ng mga carrot para maihatid sa mga truck kaya’t nabansagan siyang “Carrot Man”.

Nahumaling ang mga netizen sa itsura niya na naging daan sa kanya para maging model at aktor.

Bumida siya sa short film na “Dayas” at nanalong Best Actor para sa Short Film category sa International Film Festival Manhattan (IFFM) Autumn 2021 sa New York.

Ang “Dayas” ay kuwento ng mga small-scale gold miner sa Itogon, Benguet.

Panoorin sa ibaba ang preview ng “Dayas”:

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?