38

Igapos si Jaja!

Mga laro sa Sabado (FilOil Arena)
8:00 a.m. – FEU vs. NU (m)
10:00 a.m. – UST vs. Ateneo (m)
4:00 p.m. – FUE vs. Adamson (w)
6:30 p.m. – NU vs. Arellano (w)

Si Jaja Santiago (3) ang pangunahing armas ng NU na minarkahan ng Arellano. Tumipa si Santiago ng 24 points sa madaliang three-set win ng Lady Bulldogs laban sa Lady Chiefs sa Game 1 ng PVL Collegiate League semis. (Patrick Adalin)

May dalawang araw na break ang FEU at Arellano para mag-isip ng solusyon at adjustments para mapigil ang Adamson at National U sa kanilang Premier Volleyball League Collegiate Conference semifinals series.

Parehong naunahan ang Lady Tamaraws at Lady Chiefs sa opener ng kani-kanilang best-of-three series, kaya must-win sa Game 2 bukas sa FilOil Flying V Arena sa San Juan para makapu­wersa ng sudden death sa Lunes.

Napakawalan ng FEU ang 2-1 set lead at tulu­yang pinayuko ng Lady Falcons 21-25, 25-22, 20-25, 25-14, 15-8 noong Miyerkules.

Wala si top hitter Bernadeth Pons pero nagawa pang kontrolin ng FEU ang first three sets bago nag-collapse sa matikas na finishing kick ng ­Adamson na naka-angkla kina Mary Joy Dacoron, Bernadette Flora, Christine Soyud at Chiara Permentilla.

Hahanap din ng paraan ang Lady Chiefs para i-neutralize ang pangunahing armas ng Lady Bulldogs na si 6-foot-5 Jaja Santiago na nagpakawala ng 24 hits para pangunahan ang NU sa kumbinsidong 25-17, 25-16, 25-23 win sa opener ng ligang inorganisa ng Sports Vision at binak-apan ng Mikasa at Asics.

“We weren’t able to solve Jaja and the girls were a bit intimidated by her,” pag-amin ni Arellano coach Obet Javier. “But I always tell them that through practice, we could handle her (Santiago) and get back into the series.”

Malamya din ang reception at first ball ng Lady Chiefs, at nakapagpasok lang ng 26 kills sa 109 attempts. Sa kabila ng net, nagpiyesta ang Lady Bulldogs ng 45 spikes mula sa 118 tries, may 8 blocks pa kumpara sa dadalawa lang ng Arellano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?