By

Igan look-alike ni Aga, sinakyan ng netizen

Sharing is caring!

Naaliw ang netizen kay GMA News and Public Affairs anchor na si Arnold Clavio at sinakyan pang trip nito sa pinoste niyang larawan nilang dalawa ni Aga Muhlach.

Nakapaskil sa Instagram wall ni Arnold o Igan ang magkatabi nilang photo ni Aga na halos pareho sila nang suot.
Naka-baseball cap si Aga nang puti at dark shades. Ganundin si Arnold na nakasuot naman nang itim na cap at stell frame dark shades.

Ang intensyon ni Arnold sa posting nyang ito ay para ipakita sa kanyang mga followings ang malaking pagkakaparehas nila ni Aga.

@akosiigan, “Katuwa naman na pareho kami ng OOTD ng ultimate lodi ko @agamuhlach317. Magkaiba man ang passion namin today. Eton a @oninmuhlach hahaha! #lodi #idol #bagets #happy #motorsports #golf”.

Ilan sa mga followings ni Arnold ang sumakay sa trip ni Arnold.

@zionloves, “Nice naman mas cuteee ka lodi @akosiigan”.

@butrscotch_147, “Nalito ako @akosiigan kung sino sa inyo si aga..hehehehe”.

@mykittina, “tagal ko na iniisip now ko lang na realize si kamukha talaga ni #AgaMuhlach si @akosiigan.”
@devonspice, “Parehong gwapo isang moreno at isang maputi. Happy blessed evening po sir @akosiigan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?