308

Dec 9, 2017 @ 15:56
By

IG post ni Ji Chang Wook pinagtalunan ng netizens

Pinag-uusapan ang Instagram post recently ng South Korean actor na si Ji Chang Wook. Nag-post kasi ito sa kanyang IG na merong 6.2 million followers noong December 6 ng larawan niya na naka-military uniform habang naka-saludo.

Ang caption ni Chang Wook sa kanyang IG post, ‘Now returning. Salute.’

Prior to his IG post na nakasuot ng military uniform, noong December 2 ay nag-update rin si Chang Wook ng IG kasama ang ilang kaibigan. Naka-casual ito at hindi naka-uniform kaya posibleng nasa break niya. Four days after, balik military service na nga siyang muli.

Pinagdebatehan din ng ilang netizens kung hindi raw ba bawal ang mag-post sa IG habang nasa military duties, hindi naman daw ito bawal, pero hangga’t maaari, mas okey raw sana na wala munang mga social media posting ang kahit sinong nasa active duty.

Anyway, hindi naman matatawaran ang saya ng fans ni Chang Wook na makabalita mula sa kanilang idolo. Noong August pa ng taong ito pumasok sa military si Chang Wook kaya marami na talaga ang nakaka-miss sa kanya.

In fact, sa recent IG post niya, nakakuha na agad ito ng 1,200+ million likes at kulang 100,000 comments sa loob lamang ng dalawang araw. Isa si Chang Wook sa mga ‘oppa’ ng South Korean and best known for his action roles.

Ilan sa mga nagawang Korean drama ni Ji Chang Wook na tumatak din sa karamihang Kdrama addicts ay ang Empress Ki, Healer, The K2, Suspicious Partner at ang pinakahuli bago siya pumasok ng military ay ang Fabricated City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?