9
OPBF
By

Ifugao boxer isasabak sa OPBF

Sharing is caring!

Nakikipagnegosasyon sa ngayon si DMAD Boxing Promotions manager Darwin Miller Dep-Ay para maikasa ang sumisibol na si KJ Natuplag ng Highland Boxing Gym sa trono ng Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) youth division sa Pebrero.

Kasusungkit lang kamakailan ng 21-anyos Ifugao boxer sa titulo ng Philippine Boxing Federation featherweight via sixth-round techhnical knockout win kay Danilo Peña sa La Trinidad, Benguet.

Sapul nang mag-propesyunal noong Disyembre 2015, may ring record si Natuplag na 6-0-1 win-loss-draw. Tanging nakatabla sa kanya si Nestor Junio ng Malabon City sa nakalipas na Mayo.

Huling naiskoran naman ni Natuplag ng KO win ang kakuwadra niya sa HBG at pasikat ding si Bener Santig noon lang Setyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?