21

May 5, 2021 @ 11:37
By

IED hinagis sa Masbate, 2 patay

Dalawa ang patay habang lima ang sugatan nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) nitong Sabado ng gabi sa Barangay Del Carmen, Uson, Masbate.

Ang dalawang nasawi ay mga nakamotorsiklo, na ayon sa Uson Municipal Police ay napadaan lamang sa madilim na bahagi ng kalsada kung saan inihagis ang pampasabog.

Mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang itinuturong salarin ng pulisya sapagkat isa umano sa mga nasugatan ay miyembro ng CAFGU Active Auxiliary.

“To the Masbateños, we are now conducting an extensive follow-up operation together with our counterpart from the PNP. Hindi kami titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga teroristang gumawa ng ganitong kalunos-lunos na krimen,” pahayag ni Major General Henry Robinson, commanding general ng 9th Infantry Division ng Philippine Army.

Dahil sa insidente ay pinagtibay ng militar ang seguridad sa nasabing bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?