43

Sep 20, 2021 @ 12:33
By

Idol Raffy lumitaw sa ASAP

Mag-aartista na nga ba si Idol Raffy Tulfo sa ilalim ng ABS-CBN management?

Nito lang kasing Linggo nang lumitaw ang broadcast journalist sa “ASAP” kasama sina Zsa Zsa Padilla at Nina at binanatan ang awiting “Kung Kailangan Mo Ako” ni Rey Valera.

“Dati-rati kasi, pinapanood ko lang kayo. Ngayon, nandito na ako. Parang hindi kapani-paniwala,” ani Idol Raffy sa naturang show.

“Mga Kapatid, andito ako sa Kapamilya. Magsama-sama tayo para lalong lumakas ang ating puwersa,” hirit pa niya.

Nagsimulang umere ang “ASAP Natin ‘To“ sa Kapatid channel simula noong Enero. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?