39

Identity theft posible dahil sa natangay na passport data

Nagbabala ang isang data privacy lawyer sa posibilidad ng identity theft matapos isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na tinangay lahat ng dati nilang contractor ang data mula sa Department of Foreign Affairs.

Sa panayam kay Atty. Cecilia Soria ng GMA News, sinabi nitong ang implikasyon sa nangyari ay depende sa kung ano ang tinangay ng dating contractor.

Kung personal information umano ang nakuha, na kadalasang nasa pasaporte, ay dapat umano itong ikaalarma dahil maaaring malantad sa identity theft ang ilang passport holders.

Ito umano ay dahil hawak ng contractor ang kumpletong pangalan, petsa ng kapanganakan, address at signature ng passport holders.

Nag-ugat ang usapin matapos tangayin ng contractor ang lahat ng data ng DFA nang mainis dahil na-terminate ang kontrata nito. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?