57

Jun 20, 2021 @ 22:14
By

Ideal man ni Kris, simple lang!

Binunyag ni Kris Aquino ang mga hinahanap nito sa isang lalaki, para umanong maging perpektong stepfather sa kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.

Sa isang Instagram post nitong Linggo, nilahad ng Queen of All Media kung gaano lang kasimple ang mga hinahanap niya sa isang lalaki.

“He doesn’t have to be rich or famous, better nga kung hindi sya public figure… basta tama ang values, madasalin, may integridad, matalino, at masipag, answered prayer na siya,” saad ni Kris sa caption.

“I’ve achieved all my dreams, it’s now my turn to focus on what really matters – trying for my sons get the father figure they never had,” dagdag pa ng 50-anyos na aktres.

Ang tanong naman kung bakit naghahanap ng partner ang aktres? Saad niya sa caption: “..God willing, giving my sons a chance to have the stepfather they deserve. Because I know, I’m not enough.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?