21

Jun 14, 2021 @ 9:10
By

ICU puno pa rin! Mga doktor gusto striktong GCQ sa NCR

Kahit bumaba na ang kaso sa Metro Manila buhat nang magpatupad ng striktong lockdown ay nagkakaroon pa rin ng problema sa mga ospital dahil sa dagsa ng pasyente.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, marami pa rin ang mga pasyenteng tinatamaan ng severe o critical na kaso ng COVID-19 na kailangang ilagay sa intensive care unit (ICU).

“Medyo marami kaming nakikitang severe to critical. We would expect ito po ay magtutuloy pa,” ayon kay Limpin sa panayam ng TeleRadyo.

Hiling ng grupo na huwag munang luwagan ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila para maiwasan ang lockdown.

“Kailangan siguro maghinay-hinay muna tayo, ‘wag muna luwagan ang quarantine measure kasi mas mahirap po bumalik sa total lockdown,” saad pa ng doktora.

Tatagal ang GCQ ‘with restrictions’ sa Metro Manila at mga kalapit pang probinsya hanggang June 15.

Ayon sa Palasyo, posibleng sa susunod na linggo ay lumipat na sa ordinaryong GCQ ang NCR Plus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,