45
horse-race
Apr 9, 2018 @ 17:37
By

Icon, Manda o Hitting Spree?

Maglalaban ngayong gabi ang mahuhusay na kabayo na nabibilang sa mataas na grupo. Sa pinagsamang Group-1/2merged ay naipasok ang kabayo ni Benhur C. Abalos Jr., na si Manda at papatungan siya ni Jonathan B. Hernandez.

Ang pambato naman ng Santa Clara Stockfarm, Inc., na si Hitting Spree ay ipinagabay kay Kelvin B. Abobo at siya ang magdadala ng pinakamabigat na handicap weight sa 59 kilos.

Hindi rin naman nagpahuli si Atty. Narciso O. Morales na inilahok rin ang kanyang kabayong si Icon na si Oneal P. Cortez ang siyang gagabay. Sa distansiyang 1,300 meters sila magtatagpo.

Ang tatlo pang mga kalahok na gustong makasilat ay sina Hot And Spicy na rerendahan ni apprentice B.D. Fulgencio, Hookbung Dagat na dadalhin ni Virgilio M. Camanero Jr., at Shoo In na sasakyan ni Fernando M. Raquel Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?