281

By

Iceland resolution, biased – Sotto

Pinayuhan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pamahalaan na balewalain ang diumano’y “biased” na Iceland resolution laban sa Pilipinas.

Tinawag pa ni Sotto na “dangerous drugs tolerant” ang mga bansang sumuporta sa resolusyon na pumapayag sa United Nations na imbestigahan ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.

“Those countries supporting the Iceland resolution are probably dangerous drugs tolerant,” pahayag ni Sotto sa isang text message sa mga reporter.

“Disregard. They are obviously biased. If they are so concerned about human rights, then they should go to Syria,” dagdag pa nito.

Ang resolusyon, na sinuportahan ng 18 bansa, ay pinagtibay noong Huwebes ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Sa 47 estado na bumubuo sa UNHRC, 18 ang bumoto para paboran ang resolusyon, 14 ang kumontra at 15 naman ang nag-abstain.

Samantala, pinuri naman ng ilang oposisyong senador ang nasabing resolusyon.

Ayon kay Sen. Leila de Lima, malinaw na senyales ito kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan mangingibabaw pa rin ang katotohanan at hustisya.

“This is a clear signal to Duterte and his cohorts that truth and justice will prevail, and that the perpetrators and masterminds behind the atrocities will be held accountable,” ani De Lima.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi dapat bigyan ng malisya ng gobyerno ang naturang aksiyon ng UNHRC.

“We should allow the investigation to take place. The government must cooperate. We cannot simply ignore it, because we are part of it and the government is legally and constitutionally mandated to honor our treaty obligations,” ani Drilon.

Pinasalamatan naman ni Senadora Risa Hontiveros ang mga bansang bumoto pabor sa resolusyon.

“It was courageous act of solidarity and humanity of those who supported the resolution,” anang senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?