64
Ice Seguerra umaming na-harass na rin sa pagbabanyo
By

Ice Seguerra umaming na-harass na rin sa pagbabanyo

Matapos mag-viral ang pangha-harass sa isang transgender woman sa isang mall dahil sa pagbabanyo sa pambabae, binahagi ni Ice Seguerra na nakaranas din siya ng ganoon lalo na kapag nasa Arabic countries.

Kuwento ni Ice, ilang beses na umano siyang pinalabas kapag nasa pambabaeng banyo siya at kapag nasa panlalaki naman, ang daming tanong sa kanya lalo na kung may mga Pinoy.

“Honestly, this is one of my biggest fears whenever I’m out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga pinoy,” himutok ni Ice.

Dagdag pa niya, hindi na lang siya nag-iinom ng tubig buong araw kapag may ASEAN events siyang dinadaluhan sa ibang bansa dahil natatakot na siyang magbanyo.

“This is a real concern. Na hanggat hindi mo pa nararanasan, isasawalang bahala mo lang. Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala. Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw yung pagtitinginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what’s worse is I don’t feel safe. All of these feelings and more, AND NOW THIS… just because gusto lang namin magbanyo,” sambit pa ng singer.

View this post on Instagram

Honestly, this is one of my biggest fears whenever I’m out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga pinoy. Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo. This is a real concern. Na hanggat hindi mo pa narararnasan, isasawalang bahala mo lang. Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala. Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw yung pagtititnginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what’s worse is I don’t feel safe. All of these feelings and more, AND NOW THIS… just because gusto lang namin magbanyo.

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?