31

Aug 4, 2021 @ 12:16
By

Ice Seguerra thankful sa Eat Bulaga

“Maraming salamat, Eat Bulaga. Kung ano man ang nakita niyo noon sa isang bubwit na lilima ang hibla ng buhok, hindi ko alam.” Ganito nagpahayag ng pasasalamat si Ice Seguerra, o nakilala bilang “Aiza,” sa Eat Bulaga na nagdiwang ng kanilang ika-42 anibersaryo nitong Biyernes.

“Pero naniwala kayo sa kung ano ang mayroon ako, dahil sa paniniwalang iyon, nandito ako ngayon,”pagpapatuloy niya.

“Thank you for supporting me through the years, kahit hindi na ako regular sa Eat Bulaga. You have helped me and my family so much. You have supported my growth not just as an artist but as a person. For that, I am eternally grateful.”

Nakilala si Ice nang magwagi sa Little Miss Philippines sa naturang noon time show at naging child star host.

Kasalukuyang isa nang Chairperson ng National Youth Commission si Ice na siyang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte taong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?