108

Sep 13, 2021 @ 16:31
By

Ice, Ruby nagtagpo sa Amerika

Super sweet sina Ice Seguerra at Ruby Rodriguez nang magkita sila sa Amerika.

Matagal nang magkaibigan sina Ruby at Ice mula “Okay Ka, Fairy Ko!” hanggang “Eat Bulaga!”.

Ibinahagi nina Ruby at Ice ang kanilang mini reunion sa kani-kanilang Instagram account.

“Sooooo happy to see you again!!!! Loooove you @rodriguezruby!!!” caption ni Ice sa selfie nila ni Ruby.

“I’m happier than you think! Love the gummies too,” sabi naman ni Ruby.

Sa isa pang post, ibinahagi ni Ruby ang litrato kasama sina Ice, singer Tootie Guevara at actress Harlene Bautista.

Sa Amerika na nakatira si Ruby para maipagamot ang kanyang anak habang si Ice ay nagkaroon ng show sa California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?