401

Mar 5, 2021 @ 14:10
By

Ice kay Liza: Mahal na mahal kita, ex-jowa

Walong taon nang magdyowa sina Ice Seguerra at Liza Diño.

Sa Instagram, sunud-sunod ang pasasalamat ni Ice kay Liza.

“Thank you for always being there. Especially sa mga panahon na kailangan ko nang matinding yakap at kausap. Thank you for [being] my bestest friend, my number one fan, my worst critic (yes, dinaig mo na si Caridad Seguerra sa pagiging critic). You continously help me grow not just in my artistry but bilang isang tao,” sey ng Pinoy singer-songwriter.

“Thank you for being the best wife, lover, jowa, at lahat lahat na. You are my wholesome dreams and my naughty thoughts, rolled into one.”

“I’ve never felt more safe, secured, respected, needed, wanted, and loved. I hope napaparamdam ko rin sa iyo yun parati. Mahal na mahal kita, ex-jowa. Buti na lang sinagot mo ako. Swerte mo, no? Happy 8th jowaniversary!!!!!” bulalas niya pa.

Kinasal sina Ice at Liza sa California, US noong Disyembre 2014. Para sa mga hindi nakadalo sa US, nagsagawa sila ng “symbolic ceremony” sa Batangas, Enero 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?