163

Jan 16, 2021 @ 20:13
By

Ice cream nagpositibo sa COVID-19

Libu-libong ice cream ang nadiskubreng kontaminado ng coronavirus sa China.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, nagkukumahog ngayon ang mga Chinese authorities upang mahanap ang mga taong nasa panganib ng infection.

Nasa 4,836 kahon ng ice cream ang natukoy ng Tianjin Daqiaodao Food Company na kontaminado ng virus, 2,089 sa mga ito ang kinandado na sa imbakan.

Sabi sa China Daily report, 1,812 kahon ng ice cream ang naihatid na sa iba’t ibang probinsya habang 935 ang nakapasok sa mga palengke habang 65 ang naibenta na.

Pinayuhan ang mga nakabili ng 450g ng ice cream — na may sangkap mula Ukraine at New Zealand – na imonitor ang kanilang galaw upang madaling ma-trace.

Samantala, pinag-self quarantine ang 1,662 empleyado ng kompanya at isinailalim na kahapon sa COVID-19 test.

Ayon sa virologist na si Dr. Stephen Griffin, posibleng nagmula ang kontaminasyon ng ice cream sa human contact at isyu ng kalinisan sa pabrika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?