210

By

ICC walang hurisdiksyon! China absuwelto sa pananakop sa WPS

Inihayag ng International Criminal Court (ICC) na hindi nila saklaw ang reklamong inihain laban kay Chinese President Xi Jinping.

Kaugnay ito ng kasong isinampa nina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales laban kay Xi Jinping sa ICC dahil sa crimes against humanity.

Inakusahan nina Morales at Del Rosario si Xi na nakagawa ng krimen sa Pilipinas at sa mga mangingisdang Pilipino kaugnay ng pinsalang idinulot ng pagtatayo ng mga isla ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?