By

ICC investigator puwedeng ipaaresto ni Duterte – Gordon

Sharing is caring!

Kinampihan ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbantang ipaaresto ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) kapag pumasok sa bansa.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni Gordon na karapatan at nasa kapangyarihan ng pangulo na magpadakip ng sinuman na manggugulo rito.

Una rito, sinabi ng Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC na mag-imbestiga sa gyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

Idiniin din na kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute na lumilikha ng ICC kaya wala na itong hurisdiksyon sa bansa.

Kinatigan dito ni Gordon ang Pangulo na gusto lang umanong protektahan ang bansa.

“As far as the President is concerned, he has the right to protect the country. Kapag ang mga ito ay gagawa lang ng hindi mabuti, dine-destabilize ang bayan natin, he has that right,” diin ni Gordon.

Sa ngayon, may preliminary examination ang ICC sa paratang na crimes against humanity laban kay Pangulong Duterte at kaniyang mga opisyal dahil sa mga patayan sa gitna ng gyera kontra droga.

Isinampa ang reklamo nina Senador Antonio Trillanes IV, Magdalo party-list Representative Gary Alejano at Atty. Jude Sabio, abogado ng self-confessed leader ng Davao Death Squad (DDS) na si Arturo Lascanas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?