187

Dec 24, 2017 @ 11:31
By

“Ica is okay, she is unharmed” – Policarpio family

Labis ang kasiyahan ng pamilya Policarpio nang matagpuan na ng mga pulis ang 17-anyos na si Patricia na nawala noong Huwebes sa Coffee Project sa Sucat, Muntinlupa City.

Kanina, kinumpirma ng Southern Police District at pamilya Policarpio na nakita na nga sa San Pablo City si Ica, palayaw ni Patricia.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang pulisya at pamilya Patricia kung paano natagpuan ang dalagita.

Sa post sa Facebook account ni Bea Policarpio, kapatid ni Ica, labis naman ang pasasalamat nito sa mga tumulong para matagpuan ang Grade 12 na kapatid nito.

“We found Ica. Words cannot express our joy in this moment. Our family can never thank you enough, each and every one of you, for storming the heavens so we could be given a second chance to be complete,” pahayag ni Bea sa kanyang Facebook account.

Aniya, labis-labis na kasiyahan ang nadarama ng kanilang pamilya.

Noong Sabado, umapila na rin si Bea sa lahat na tulungan silang makita at maibalik sa kanila ang kanyang nakakabatang kapatid.

Aniya nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at tinutukan nila ang mga detalye sa mga media sites.

Hiniling din nito na irespeto nila ang kagustuhan nilang magkaroon ng ‘private time.’

” In [the] meantime we just wanted to ease everyone’s worry and let you all know that she is okay, she is unharmed, and she is with us. Thank you Lord. Thank you everyone for helping us #FindIca,” ayon pa sa post ni Bea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?