72

By

IBP samo ang hustisya sa pinatay na abogado ng NUPL

Nananawagan ng katarungan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa pinaslang na abugado ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) na si Atty. Benjamin Ramos.

Sa isang statement, sinabi ni IBP National President Abdiel Dan Elijah Fajardo na sa ilalim ng international law, mandato ng mga gobyerno na protektahan ang mga abogado.

Kaugnay nito, umaapela ang IBP para sa mabilis na paglutas sa kaso ng pagpatay kay Ramos.

Nakaalarma na umano ang nangyayaring pag-atake sa mga abogado, piskal at mga hukom.

“We decry this latest incident in a quick succession of violent attacks against lawyers, who are now enveloped in fear as they seek to provide access to justice to their clients. Our pens and typewriters are helpless against guns and bullets that have tilted the scales of justice alarmingly in favor of impunity and lawlessness, all in arrant disregard of the sanctity of human life,” saad ni Fajardo.

Aniya, ang bawat kaso ng pagpatay sa mga abogado na itinuturing na mga ‘officer of the court’ ay pag-atake sa rule of law.

“It cripples or paralyzes the moving parts of the justice system upon the well-founded apprehension that the attacks are a direct result of the discharge of their functions,” pagtatapos ni Fajardo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?