By

IBP sa mga abogado: Manindigan laban sa EJKs

Sharing is caring!

Malaking hamon maging sa mga abogado ang usapin ukol sa pagsunod sa rule of law, paggawad ng hustisya at respeto sa mga karapatang-pantao sa isyu ng war on drugs ng administrasyong-Duterte.

Kaya’t paalala ni Atty. Adiel Dan Fajardo, national president ng Integrated Bar of the Philippines, sa mga kapwa abogado na sa pagtupad sa kanilang tungkulin ang ay palaging tandaan ang nakapaloob sa kanilang body of ethics at code of professional responsibility.

Aniya, nagpatawag sila ng Human Rights summit para matalakay ang mga pangangailangan ng mga biktima ng war on drugs na magkaroon ng mga abogado na mangangalaga at ipaglalaban ang kanilang mga karapatan.

Ang two-day summit, na may temang Pagtugon sa Hamon: A Call to the Rule of Law, Access to Justice and Human Rights ay magsisimula bukas sa SM Aura, Taguig City

Ayon naman kay Human Rights Comm. Roberto Cadiz malaking tulong ang hakbang na ito ng IBP para bigyan katarungan ang mga biktima ng anti-drug campaign.

Sinabi ni Cadiz na ngayon ay napakahalaga na maitaguyod ang rule of law hindi lang sa mga sinasabing extra-judicial killings kundi dahil na rin sa pag-atake sa mga institusyon, katulad ng Korte Suprema, Office of the Ombudsman at CHR. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?