79
abante-tnt-vismin-times-bar
Aug 17, 2018 @ 15:34
By

IBP kukuwestiyunin ang pag-aresto sa 3 abogado ng Times Bar

Hihilingin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang kalayaan ng tatlong abogado na inaresto ng mga pulis sa Makati City dahil sa “obstruction of justice”.

Ayon sa IBP, maghahain sila ng petition for the writ of habeas corpus sa hukuman.

Sa pamamagitan ng privilege of the writ of habeas corpus, maaaring kuwestiyunin ng isang mamamayan ang legal na batayan ng pag-aresto sa kanya at hilingin ang agaran niyang paglaya.

Sina Atty. Romulo Alarkon, Jan Vincent Soliven at Lenie Rocha ay inaresto ng mga pulis dahil wala umanong tamang koordinasyon sa mga awtoridad ang ginawa nilang pagpasok sa bar, pagkuha ng litrato at video habang isinasagawa ang raid sa bisa ng search warrant noong Sabado.

Ang tatlong abogado ang tumatayong legal counsel ng Times Bar.

Sa isang statement, tinukoy ng IBP na kuwestiyunable ang ginawang pag-aresto sa tatlong abogado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?