437

By

Iboto niyo si Roxas – Duterte

Sharing is caring!

Iniendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Oposisyon Koalisyon senatorial bet na si Mar Roxas para sa 2019 midterm elections.

Sa naging speech ni Duterte sa Boracay, sinabi nito na aprub sa kanya kung iboto ng mga Pinoy ang kanyang dating nakalaban sa 2016 presidential elections.

“Vote for Roxas, Ilonggo eh. Iboto ninyo, walang problema ‘yan,” pakli ni Duterte.

Ngunit kanyang pinatamaan ang dating opisyal ng pulis na si Marcelo Garbo, ang dating aide ni Roxas.

“Pero Garbo na ‘yan, naghawak ng droga sa Visayas. Iyon ang police makita mo palagi sa tabi ni Roxas doon,” dagdag pa ng Pangulo.

Si Duterte at Roxas ay dating nagkasama sa Kongreso, sa Davao ang Pangulo at sa Capiz naman ang dating Department of Interior and Local Government na si Roxas.

Nang maitanong si Roxas tungkol sa kanyang opinion sa tinuran ni Duterte, ito ang kanyang naging tugon.

“Totoo ba yan? Kasi wala akong personal knowledge. Kung totoo, maraming salamat kay Pangulong Duterte kung ganoon man ang sinabi niya tungkol sa akin,” pakli ni Roxas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?