20

Dec 27, 2020 @ 16:15
By

Ibon chinibog ang buwaya

Nakuhaan ng isang wildlife photographer sa Florida ang isang ibon na lumunok ng buong buwaya sa lawa ng Orlando.

Ayon kay Shellie Gilliam, nasa Lake Apopka siya, isang sikat na birdwatching site sa Estados Unidos, nang lumitaw ang isang great blue heron at nilantakan ang buwaya.

Nagulat si Gilliam sa nakita niya kaya naman agad niya itong kinuhaan ng litrato at ipinost sa kaniyang Facebook account.

Kilala ang great blue heron bilang isa sa mga pinakamalaking waterbird sa America.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?