1,882

Jan 23, 2019 @ 19:42
By

Iboboto ko si Freddie Aguilar – Duterte

Isa-isa nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidatong kanyang iboboto sa darating na midterm elections.

Sa kanyang talumpati sa Tricycle Operators and Drivers Association Summit sa Pasay City ay binanggit ng Pangulo si Freddie Aguilar na kasama sa isusulat niya sa balota.

Sinabi ng Presidente na batid niyang hindi gaanong pinapansin si Aguilar pero isa ito sa kanyang mga napiling iboboto.

Ayon sa Pangulo, may mensahe ang mga kanta ng singer at mayroon itong mensaheng nais iparating sa bansa sa pamamagitan ng kanyang mga komposisyon at musika.

“Ako may isa ako. Pero alam ko mayroon kayong resistance. Alam mo kung sino ang iboboto ko? Freddie Aguilar. Alam mo bakit? Akala lang kasi ninyo si Freddie …pero Freddie Aguilar is the only singer na nakita ko na may mensahe ang kanta niya. Lahat ng kanta niya. Very hard. Mahirap gawin ‘yon. Marunong man mag-English ‘yung tao. Lahat, bulag, pipi at bingi, he’s trying to convey a message to the country,” anang Pangulo.

Kabilang sa mga ikinakampanya ni Pangulong Duterte sa kanyang mga talumpati ay sina Bong Go, Francis Tolentino at Ronald “Bato” dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?