45

By

Ibinasurang kaso laban kina Espinosa, Lim leksiyon sa PNP – Andanar

Sharing is caring!

Kailangan ng Philippine National Police (PNP) ang mas malakas-lakas na kaso laban sa druglord na si Kerwin Espinosa.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar makaraang ibasura ng National Prosecution Service ang drug case nina Espinosa , Peter Lim at Peter Co.

Sinabi ni Andanar na dapat maging hamon sa mga pulis ang naibasurang kaso ng tatlong druglords para lalo pang palakasin ang mga drug cases na isasampa sa mga susunod na pagkakataon.

Pero sinabi ni Andanar na hindi niya minamaliit ang trabaho ng PNP dahil nakikita naman kung paano magtrabaho ang mga ito kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Sa palagay ko, kailangan tayong maging ano—na Philippine National Police, they really have to build the very, very hard case if that is the problem. Pero like what I said earlier, lahat naman ay ginagawa ng Philippine National Police, ginagawa ng PDEA, the Department of Justice is also just doing their work,” ani Andanar.

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang naibasurang kaso ng tatlong druglords na posible umanong magpahina sa anti- drug campaign ng pamahalaan.

Hindi naman nababahala si Pol. Chief inspector Jove Espenido na makalaya si Espinosa dahil ang naibasurang kaso ay isa lamang sa maraming kasong kinakaharap nito sa Korte.

Mayroon aniyang nakahain na kaso si Espinosa sa Albuera, Leyte na apat na counts ng murder, illegal possession of firearms and ammunitions at illegal drugs at umuusad na aniya ang mga ito sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?